INANUNSIYO kahapon ng Malakanyang na hindi na palalawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao.
“The Office of the President wishes to announce that President Rodrigo Roa Duterte will not extend martial law in Mindanao upon its expiration on December 31,2019,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ginanap na press briefing.
“The Commander-in-Chief made the decision following the assessment of his security and defense advisers of the weakening of the terrorist and extremist rebellion, a result of the capture or neutralization of their leaders, as well as the decrease in the crime index, among the factors considered,” sabi ni Panelo.
Ayon pa kay Panelo, ang desisyon ng Pangulo ay base na rin sa naging rekomendasyon ng kaniyang defense officials na nagbase naman sa bumabang crime index at pagbaba ng antas ng terorismo sa rehiyon.
Una nang nagpahayag si Defense Secretary Delfin Lorenzana na sila’y nakapaghain na ng rekomendasyon sa tanggapan ng Pangulo na nagsasabing wala na silang nakikita pang dahilan upang magkaroon ng martial law extension.
Tiniyak ni Panelo sa mga taga Mindanao na nakahanda ang pamahalaan na harapin ang anumang threats sa rehiyon.
“The people of Mindanao rest assured that any insipient major threat in Mindanao will be nipped in the bud even without martial law,” dagdag pa ni Panelo.
Magugunitang isinailalim sa Martial Law ang Mindanao makaraang kubkubin ng Maute-ISIS terrorists ang Marawi City noong Mayo 23,2017.
Magugunita na ang pamahalaang lokal ng Davao sa pangunguna ni Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio ay lumiham sa Pangulo at hinihiling na alisin na ang umiiral na Martial Law sa naturang siyudad dahil sa mabuting peace and order situation sa kanilang lugar. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.