(Inaprubahan na)VAT REFUND SA FOREIGN TOURISTS

FOREIGN TOURISTS

INAPRUBAHAN ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng value-added tax (VAT) refund program para sa mga turista, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

“Marcos will issue an executive order to implement the tax refund program, which is also being carried out in other countries,” anang PCO.

Kapag naisakatuparan, ire-refund sa mga foreign traveler ang 12% VAT na ipinataw sa goods and services sa Pilipinas.

Ang ilang bansa na kasalukuyang nag-aalok ng tourist VAT refunds ay ang Singapore, Japan, South Korea, Australia, Switzerland, Italy, at Spain.

Gayunman, ang mga turista ay makaka-avail lamang ng refund kapag gumasta sila ng mas mataas sa minimum amount, na magkakaiba sa naturang mga bansa.

Sinabi ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector Group na ang tourist VAT refund program ng Pilipinas ay maaaring ipatupad sa 2024.

Isa ito sa “Quick Wins” recommendations ng PSAC kay Marcos noong Huwebes sa layuning mapalakas ang Philippine tourism industry.

Target ng Department of Tourism ngayong taon ang 4.8 million international tourist arrivals, na maaaring makalikom ng ₱2.58 trillion na kita.