(Inaprubahan ng BOI noong Enero-Nobyembre) P1.58-TRILLION INVESTMENT PLEDGES

INAPRUBAHAN ng Board of Investments (BOI) ng Department of Trade and Industry (DTI) ang P1.58 trillion na halaga ng investment commitments mula Enero hanggang Nobyembre 2024.

Ayon sa DTI-BOI, ang halaga ng investment approvals sa 11-month period ay naglapit sa promotion agency sa pagkamit sa target nito na P1.6 trillion para sa buong 2024.

Year-on-year, ang investment pledges na inaprubahan ng the DTI-BOI sa January-November 2024 period ay mas mataas ng 44% kumpara sa P1.01-trillion na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.

Ayon sa ahensiya, ang pagtaas sa investment approvals ay pangunahing nagmula sa energy sector, partikular ang renewable energy projects na may kabuuang P1.35 trillion investment commitments, tumaas ng 48% year-on-year.

Ang iba pang top-performing sectors ay kinabibilangan ng air and water transport sa P121.20 billion; real estate activities (mass housing), P34.67 billion; manufacturing, P30.40 billion; water supply, sewerage, waste management, and remediation activities sa P16.28 billion; agriculture, forestry, and fishing sa P10.47 billion; wholesale and retail, P8.25 billion; at information technology and business process management sa P7.26 billion.

Ayon sa DTI-BOI, ang water supply, sewerage, waste management, and remediation sector ang nagtala ng pinakamalaking pagtaas na may 1,540% increase kumpara noong nakaraang taon.

“This growth is fueled by a significant 254% increase in local investments, with Filipino companies contributing P1.06 trillion,” ayon sa ahensiya.

Ang Calabarzon region ang nangungunang recipient, na may P623.19 billion na investments, kasunod ang Central Luzon na may P277.08 billion, at Western Visayas na may P245.95 billion.

Ang iba pang high-performing regions ay ang Bicol Region na may P142.89 billion at Ilocos Region na may P87.04 billion.

Ayon pa sa DTI-BOI, ang foreign investments ay bumubuo rin sa malaking bahagi ng inaprubahang mga proyekto na nagkakahalaga ng P331.78 billion.

Pinangungunahan ng Switzerland ang foreign investors na may P289.06 billion, sumunod ang the Netherlands na may P40.59 billion, Japan na may P14.67 billion, at South Korea? P12.72 billion.

Nag-ambag din ang Singapore, Thailand, at United States ng P7.38 billion, P3.22 billion, at P2.51 billion, ayon sa pagkakasunod-sunod.