(Inaprubahan ng BOI, PEZA sa nakalipas na 5 taon) P5.2-T NA INVESTMENTS

DTI-6

TUMAAS ang investment approvals sa investment promotion agencies (IPAs) sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) sa nakalipas na limang taon

Sa datos ng DTI, ang pinagsamang approved investments ng Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ay umabot sa PHP5.2 trillion mula 2016 hanggang Hunyo 2021.

Ang BOI ay may lion’s share sa naturang approvals na nagkakahalaga ng PHP4.33 trillion, habang ang PEZA-approved investments ay nasa PHP841 billion magmula noong 2016.

Nang magsimula ang administrasyong Duterte noong 2016, ang investment approvals ng BOI at PEZA ay nagkakahalaga ng PHP660 billion.

Batay pa sa datos, ang approved investments sa IPAs ay tumaas sa PHP854 billion noong 2017, umabot sa PHP1-trillion mark noong 2018, at pumalo sa PHP1.26 trillion noong 2019.

Noong 2019 ay naitala ng BOI ang makasaysayang mataas na investment approvals sa PHP1.14 trillion.

Sa kabila ng  global health at  economic crisis noong nakaraang taon dulot ng COVID-19 ay nanatili sa PHP1-trillion level ang investment approvals ng DTI-attached IPAs.

Ang approved registrations noong 2020 ay umabot pa rin sa PHP1.11 trillion sa gitna ng pandemya.

Inaasahang lilikha ng 804,147 trabaho ang investment approvals ng BOI at PEZA sa nakalipas na limang taon. PNA

7 thoughts on “(Inaprubahan ng BOI, PEZA sa nakalipas na 5 taon) P5.2-T NA INVESTMENTS”

  1. 993131 891160We are a group of volunteers and opening a new scheme in our community. Your internet web site given us with valuable information to work on. Youve done an impressive job and our entire community will likely be grateful to you. 689637

  2. 546990 724729Do people still use these? Personally I enjoy gadgets but I do prefer something a bit more up to date. Still, nicely written piece thanks. 80180

Leave a Reply

Your email address will not be published.