PINAPAYAGAN na ang pagbiyahe ng malulusog at African swine fever (ASF)-negative hogs mula sa red zones o barangays na may aktibong mga kaso ng ASF, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Alinsunod ito sa Administrative Circular (AC) No. 6, series of 2024 ng DA, o ang guidelines sa movement protocols para sa live pigs for slaughter purposes, na nilagdaan noong Agosto 29.
“Basically, the situation is kapag tumama naman sa isang lugar hindi naman lahat iyan e. So, tetestingin ang bawat farm. Kung negative, kailangan ilabas,” wika ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa isang online interview noong Linggo.
Sa ilalim ng Section II of AC 6, s. 2024, ang pagbiyahe ng malulusog at ASF-negative pigs “sa labas ng 500-meter hanggang 1-kilometer radius mula sa kung saan na-detect ang ASF infection ay maaaring payagan sa loob ng siyudad/munisipalidad.
“Live pigs from areas outside the 1-kilometer radius but still within the red (infected) zone may be transported for slaughter across all zones, subject to compliance with the requirements set forth in this Circular.”
“Pigs must be transported from the origin directly to the specified destination, with no loading and unloading.”
Gayunman, ang pagbiyahe ng live pigs, mula kapwa sa infected farms at mga lugar sa loob ng 500-meter radius ng red zones, ay mahigpit na ipinagbabawal.
Naunang nangako ang DA na ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng mahigpit na biosecurity measures upang maiwasan ang pagkalat pa ng ASF, lalo na sa mga bahagi ng Northern Luzon, na pangunahing pinagkukunan ng swine at pork products sa Metro Manila. ULAT MULA SA PNA