(Inaprubahan ng DTI) P4.5-B PAUTANG SA MSMEs

Ramon Lopez

INIULAT ng Department of Trade and Industry (DTI) na hanggang noong Hunyo 9 ay may kabuuang P4..5 billion na halaga ng loans sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang inaprubahan sa ilalim ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program.

Ayon sa  DTI ang P4.5-billion loans ay ipinagkaloob sa 30,408 MSMEs na nag-apply sa ilalim ng zero-interest loan ng ahensiya.

Inilatag ng DTI, sa pamamagitan ng financing arm nito na Small Business (SB) Corp., ang CARES program noong Mayo 2020 upang tulungan ang MSMEs na makabangon sa pagkalugi dulot ng pandemya at ng lockdown measures.

Sinimulan ng DTI ang CARES program na may P1 billion mula sa 2020 budget nito at nakakuha ng karagdagang P10 billion mula sa Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2).

Sa P10 billion mula sa Bayanihan 2, P6 billion ang inilaan para sa MSMEs sa sektor ng turismo na labis na naapektuhan ng pandemya.

Gayunman, ang DTI ay may hanggang katapusan na lamang ng buwan para gamitin ang nalalabing  budget para sa microfinancing program nito dahil ang Bayanihan 2 ay epektibo lamang hanggang Hunyo 30.

Para mapabilis ang paggamit sa nalalabing alokasyon, ang  DTI ay nakikipag-ugnayan sa Department of Tourism (DOT) para sa CARES for TRAVEL (Tourism Rehabilitation and Vitalization of Enterprises and Livelihood).

Umaasa ang DTI at DOT na mapabibilis ang paggamit sa nalalabing pondo sa CARES for TRAVEL dahil marami pang tourism economic activities ang magbubukas sa pagluwag ng community quarantine restrictions.

“With this microfinancing program providing collateral-free and interest-free loans to businesses affected by the pandemic, our MSMEs can begin to rebuild their respective businesses and take part in the recovery that has started around the world,” wika ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Kumpiyansa rin si Lopez sa pag-arangkada ng vaccination para sa A4 group na kinabibilangan ng economic frontliners dahil patataasin nito ang consumer at business confidence.

“The country’s vaccination program will prove to be a timely shot in the arm as well for the economy, as it will lead to continuous reopening with less threat of a surge, thus creating a good momentum for sustained recovery, more investments and greater employment opportunities for the Filipinos,” dagdag pa niya. PNA

4 thoughts on “(Inaprubahan ng DTI) P4.5-B PAUTANG SA MSMEs”

  1. 771128 384009Youd outstanding guidelines there. I did a search about the field and identified that really likely the majority will agree with your internet page. 313969

Comments are closed.