MAY $17.7 billion na halaga ng government foreign loans ang inaprubahan ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong 2020.
Sa isang statement, sinabi ng BSP na ang public sector foreign loans na inaprubahan ng MB ay kinabibilangan ng tatlong bond issuances ($6.6 billion), 15 project loans ($3.7 billion), at 16 program loans ($7.5 billion)
Ayon sa BSP, ang foreign borrowings na inaprubahan noong nakaraang taon ay mas mataas ng 82.5% kumpara sa $9.7 billion noong 2019.
Ito ay dahil sa mas mataas na bond issuances, na umangat ng 88.6% mula $3.5 billion noong 2019 sa $6.6 billion noong 2020; at sa pagsirit sa program loans ng 435.7% mula $1.4 billion noong 2019 sa $7.5 billion noong 2020.
“The increase in public sector foreign borrowings in 2020 are, among others, to fund the government’s COVID-19 pandemic response programs and to support economic recovery,” ayon sa central bank.
Sa ilalim ng Section 20, Article VII ng 1987 Constitution, kailangan ang paunang pag-apruba ng BSP, sa pamamagitan ng MB nito, sa lahat ng foreign loans na gagarantiyahan ng Republika ng Pilipinas.
Sa fourth quarter pa lamang ng 2020, ang foreign borrowings ng gobyerno ay umabot na sa $4.2-billion, mas mataas ng 7% mula sa $3.9-billon na nakuha sa third quarter ng nakaraang taon.
Ang fourth quarter foreign loans ay kinabibilangan ng isang bond issuance na nagkakahalagang $2.8 billion; tatlong project loans na may kabuuang halagang $814.3 million; at dalawang program loans na nagkakahalagang $600.0 million.
Comments are closed.