INAPRUBAHAN ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang P201.55 billion na halaga ng investments, na nahigitan na ang kanilang yearly investment target na P200 billion.
Ang investment approvals mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon ay mas mataas ng 43 percent kumpara sa P140.88 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2023, at tumaas ng 14.7 percent mula P175.71 billion sa pagtatapos ng nakaraang taon.
Ayon sa PEZA, inaprubahan nito ang 239 new at expansion projects sa unang 11 buwan. Inaasahang magdadala ito ng mahigit $3.9 billion na export revenues at direktang magbibigay ng trabaho sa mahigit 70,000 Filipinos.
Nangangahulugan ito na taon-taon ay may 21.31 porsiyentong pagtaas sa mga inaprubahang proyekto, 14 porsiyentong paglago sa exports, at higit sa doble ang employment opportunities.
“As expected, investment approvals would pick up in the last quarter of the year. So far, we have already achieved PHP201 billion, with one more board meeting left in December,” pahayag ni PEZA Director General Tereso Panga sa isang statement.
“This only proves that investor confidence in the Philippines and in PEZA continues to thrive due to the government’s investor-friendly policy direction partnered with the ease of doing business inside our zones.”
Para sa November 2024 lamang, inaprubahan ng PEZA Board ang 41 proyekto na nagkakahalaga ng P77.79 billion, tumaas ng 752.25 percent mula P9.13 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ang mga proyektong ito ay lilikha ng 30,623 trabaho sa loob ng PEZA ecozones at karagdagang annual export revenues na USD831.02 million.
Sa 41 project approvals noong Nobyembre, 22 ang nasa manufacturing sector, 10 sa information technology and business process management, 3 sa facilities development, 2 sa domestic enterprises, 2 sa ecozone developments, at tig-1 sa utilities at logistics.
Ang mga ito ay matatagpuan sa Batangas, Laguna, Cebu, Cavite, Rizal, Pampanga, at Negros Oriental.
Dalawang big-ticket projects ang nagpalakas sa PEZA approvals noong nakaraang buwan, na may pinagsamang investments na P60.25 billion.