(Inaprubahan ng PEZA noong Enero) P2.21-BILLION INVESTMENTS

INAPRUBAHAN ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang P2.21 billion na halaga ng mga bago at expansion projects noong nakaraang buwan.

Ayon sa PEZA, ang 12 proyekto na inaprubahan ay lilikha ng $69.62 million na halaga ng exports at 1,337 direct jobs.

Ang 12 proyekto ay kinabibilangan ng pitong ecozone export enterprises, apat na information technology enterprises, at isang facilities enterprise.

We are proud to have closed more than P2 billion worth of investments in the first month of 2024, and confident of securing more investments which are already in PEZA’s pipeline and waiting for approval in the coming months,” wika ni PEZA Director General Tereso Panga.

Ang mga proyekto ay matatagpuan sa Cavite Economic Zone (CEZ),  Cavite Technopark-Special Economic Zone (SEZ), Laguna Technopark,  Lima Technology Center-SEZ, Carmelray Industrial Park II-SEZ, Laguna Technopark ANnex-SEZ, First Philippine Industrial Park, Giga Tower Bridgetowne IT Park sa Quezon City, Southwoods Mall sa Laguna City, Panorama Tower sa Bonifacio Global City, at Jazz IT Center sa Makati City

Ang inaprubahang investments ay iprinisinta sa unang board meeting ng PEZA sa Baguio City noong Enero 25- 27, 2024.