(Inaprubahan ng PEZA noong Enero)P6.4-BILYONG INVESTMENTS

FOREIGN INVESTMENTS-3

MAY kabuuang P6.393 billion na halaga ng investments ang inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) nitong Enero.

Year-on-year, ang halaga ng investments na pumasok sa PEZA ay lumago ng 83.69% mula P3.48 billion na inaprubahan sa kaparehong buwan noong 2022.

“The PEZA Board has approved a total of 19 new and expansion projects of ecozone locators and developer/operators expected to bring in P6.393 Billion investments,” wika ni PEZA officer-in-charge Tereso Panga.

Ang P6.393-billion na inaprubahang investments ay kinabibilangan ng 18 new at expansion projects — 11 para sa export manufacturing enterprises, 4 sa facilities enterprise, 2 sa IT enterprise, at 1 para sa domestic market enterprise — na nagkakahalaga ng P2.277 billion.

Ang malaking bahagi o P4.116 billion ng approved investments sa unang buwan ng taon ay para sa economic zone development project.

Ang mga inaprubahang proyekto ay matatagpuan sa Makati City, Pasay City, Calabarzon, Cebu City, at South Cotabato.

“With the positive start of the year, We are bullish with our outlook this year, targeting a 10% investment growth based on the initial locator sector targets,” sabi ni Panga.

Para sa 2023, tinatarget ng PEZA ang 10% increase sa investments na mas mataas sa P140.7 billion investments na naitala noong 2022 — na nagtala ng 103.03% pagtaas kumpara sa kahalintulad na panahon noong 2021.