UMABOT na sa mahigit P1 trillion ang big-ticket investments na inaprubahan sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act hanggang Abril ngayong taon.
Sa isang post sa Facebook, sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang big-ticket projects na ito ay inaasahang lilikha ng 142,294 bagong trabaho para sa mga Pilipino.
Ayon sa DOF, inaprubahan ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ang 56 applications, na kumakatawan sa total investment capital na P873.9 billion.
Inaasahang lilikha ito ng 38,304 trabaho.
“Meanwhile, the Investment Promotion Agencies (IPAs) have approved a total of 1,102 applications, with a combined committed investment capital of PHP263.7 billion,” sabi ng DOF.
Inaasahang magreresulta ito sa karagdagang 103,990 trabaho.
Ang CREATE ay nagtatatag ng isang performance-based, time-bound, targeted, and transparent tax incentives regime sa bansa.
(PNA)