(Inaprubahan sa ilalim ng CREATE law) P1.2-TRILLION INVESTMENTS

MAHIGIT sa 1,200 proyekto na may kabuuang halaga na P1.2 trillion ang inaprubahan sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act hanggang end-June ngayong taon.

Sa isang post sa Facebook kamakailan, sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang mga inaprubahang proyekto sa ilalim ng CREATE Act magmula noong April 2021 hanggang June ngayong taon ay umabot na sa 1,239, na may total committed investment capital na P1.27 trillion.

Ang naturang mga proyekto ay inaasahang lilikha ng 159,486 bagong trabaho.

Pinaghiwa-hiwalay, ang Cabinet-level Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ay nag-apuba ng 57 applications na may investment capital na nagkakahalaga ngP953.06 billion.

Ang FIRB-approved projects na ito ay inaasahang lilikha ng 39,854 trabaho.

Samantala, kabuuang 1,182 applications na nagkakahalaga ng P313.32 billion ang inaprubahan ng Investment Promotion Agencies.

Inaasahang lilikha ang mga ito ng 119,632 bagong trabaho.
Ang CREATE ay nagtakda ng performance-based, time-bound, targeted, at transparent tax incentives regime sa bansa. ULAT MULA SA PNA