INBOUND TRAVEL RESTRICTIONS TINANGGAL NA SA FOREIGN  TRAVELLERS

DFA

INALIS na ng South Africa ang inbound travel restrictions sa mga foreign travelers kasama ang Filipino sa ilalim ng medical protocols.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Bukod dito, nilinaw ng DFA na ang Alert Level 4 (Mandatory Repatriation Phase) at ang pagbabawal ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) sa pag-deploy sa mga OFW na papunta sa Iraq ay ipinatutupad pa rin.

Mananatili pa rin ang paghihigpit sa paglalakbay sa ibang bansa, rehiyon at sa buong mundo tulad ng mga dating inilabas na impormasyon ng DFA.

Patuloy na pinaalalahanan ng ahensiya ang publiko na ang mga impormasyong nakapaloob sa infographics ay maaaring magbago nang walang sapat na paunawa sa publiko.

Pinakamainam pa rin na alamin ng maaga ang mga petsa ng paglalakbay sa mga airline company, gayun din sa mga Embahada o Konsulado ng Filipinas bago mag-book ng ticket pati na rin sa departure. LIZA SORIANO

Comments are closed.