INC  NAGBIGAY NG 3,000 SAKONG BIGAS SA MANILENYO

INC

DAHIL sa tumitindi pang epekto nang  nararanasang lockdown sa lungsod ng Maynila bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) ay nagkaloob ang Iglesia ni Cristo sa pangunguna ni Ka Eduardo Manalo ng 3,000 sako ng bigas at 1,000 personal protective equipment (PPEs) para sa mga frontiner.

Lubos na nagpasalamat si  Manila Mayor Isko Moreno sa hanay ng  INC sa pangunguna ni Ka Eduardo Manalo sa napakalaking donasyon na ipinagkaloob sa pamahalaang lungsod.

Ayon sa alkalde ay malayo ang mararating ng nasabing donasyon para sa mga mahihirap na taga-lungsod at mga medical frontliners.

“Malaking bagay po ang tulong na ito.  Umasa po kayo na makararating po ito sa tamang tao, ‘ yung mga taong nangangailangan,” ayon kay Moreno.

Personal na nagpasalamat  ang alkalde nang magtungo ito sa INC central office at ipinarating ang kanyang labis na kagalakan sa pamamagi-tan ni INC general auditor, Glicerio ‘Jun’ Santos, Jr. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “INC  NAGBIGAY NG 3,000 SAKONG BIGAS SA MANILENYO”

  1. 125217 872781That is the very first time I frequented your website page and up to now? I amazed with the analysis you made to create this particular submit incredible. 512100

Comments are closed.