PABOR ang Department of Health (DOH) sa inisyatiba ng ilang local government unit (LGU) na mag-alok ng insentibo para mahikayat ang kanilang mga residente na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa katunayan, maging ang DOH mismo ay nag-iisip na rin ng karagdagang insentibo para mas marami pang Pinoy silang mahikayat na magpabakuna.
“Actually, nag-iisip na rin ang DOH ng additional na incentives para mas makahikayat tayo ng mas maraming tao para magpabakuna,” ayon naman kay Vergeire, sa isang online briefing.
“‘Pag nagsabi tayo ng incentives, hindi lang po ito ‘yung mga materyal na insentibo katulad ng nagbibigay po tayo ng pagkain o ‘di kaya ay nagbibigay tayo ng mga papremyo,” aniya pa.
Aniya pa, kaagad silang maglalabas ng guidelines at iba pang impormasyon hinggil dito, sa sandaling maisapinal na ito.
Nauna rito, ang mga vaccinated individuals sa Las Piñas ay binibigyan ng pagkakataon ng lokal na pamahalaan na magwagi ng bahay at lupa, gayundin ng mga groceries at motorsiklo kung magpapabakuna sila.
Samantala, sa Pampanga naman ay baka ang ipinara-raffle sa mga residente na nagpaturok na ng bakuna. Ana Rosario Hernandez
My family all the time say that I am wasting my time here at web, but I know I am getting knowledge every day by reading
thes pleasant articles or reviews.
326364 197578So, is this just for men, just for females, or is it for both sexes If it s not, then do girls want to do anything different to put on muscle 273046
361349 632418Excellent blog here! Also your website loads up quite fast! What host are you making use of? Can I get your affiliate link to your host? I wish my website loaded up as quick as yours lol xrumer 817724