(Incentives para sa farmers inalis) BUYING PRICE NG PALAY TINAASAN

Bigas

TINAASAN na ng gob­yerno ang buying price ng palay subalit inalis ang mga insentibo na tinatanggap ng mga lokal na magsasaka.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nagpasiya ang National Food Authority (NFA) Council nitong Set. 10 na bumili ang pamahalaan ng palay  mula sa local farmers sa support price na P19 kada kilo.

“Another major development as a result of the council meeting yesterday is the palay buying by NFA from local farmers will now be at P19 per kilogram clean and dry from the previous level of P17,” ani Dar.

Gayunman, ang pinakabagong numero ay mas mababa sa umiiral na buying price ng NFA na nasa P20.70.

Nagpasiya rin ang NFA Council na alisin ang P3.70 incentives na kasalukuyang ipinagkakaloob sa mga magsasaka. Sakop ng 3.70 incentives ang P3 buffer stocking fee, 20 centavos delivery, 20 centavos drying, at 30 centavos cooperative incentive fee.

Paliwanag ni NFA Administrator Judy Carol Dansal, ang pag-alis sa mga insentibo ay dahil sa limitadong budget ng ahensiya.

“Kapag we use the previous amount of P20.70, we have the so-called rule of thumb that you will spend a palay into rice, P40 ang cost of rice, masyadong mataas,” aniya.

“If we are going to follow the rule of thumb, P19, so magiging magkano lang ‘yun, P38,” paliwanag pa niya.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang linggo, ang presyo ng palay ay bumaba na sa hanggang P8 sa ilang rehiyon sa bansa.

Ito umano ay dahil sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law, na nag-alis sa quantitative restrictions sa rice imports at nagpataw ng 35% tariff sa shipments mula sa Southeast Asia.

Comments are closed.