TINIYAK kahapon ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa mga exporter na mananatili ang kanilang insentibo sa ilalim ng second package ng tax reform program na kasalukuyang tinatalakay sa Kamara.
Ayon kay Arroyo, kinikilala ng gobyerno na may footloose industries na nangangailangan ng insentibo.
“For investors, ease of doing business and infrastructure are more important than incentives when they decide where to put their money,” pahayag ni Arroyo sa mga reporter sa kanyang pagbisita sa San Simon Business Park sa Pampanga.
Si Arroyo ay nasa Bataan noong Huwebes para sa public consultation sa Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities (TRABAHO) bill sa free port zone ng lalawigan, kung saan sinabi niya na ang mga ito ang ‘footloose’ na hindi maaaring mawala ang export-related incentives.
Tinukoy niyang halimbawa ang mga investor sa San Simon, na namuhunan sa lugar kahit walang fiscal incentives subalit dahil sa Quezon Road at sa paggaan ng pagnenegosyo.
Comments are closed.