INCENTIVES SA MICRO ENTREP

Undersecretary Zenaida Maglaya

HINIKAYAT ng Department of Trade and Industry (DTI) ang underground micro entrepreneurs na gawing pormal ang kanilang mga negosyo at tumanggap ng  insentibo sa ilalim ng Barangay Micro-Business Enterprise (BMBE) Law.

“We highly encourage micro enterprises to register their businesses and avail of the incentives under the BMBE Law,” wika ni DTI Regional Operations Group Undersecretary Zenaida Maglaya.

Ipinaliwanag ni Maglaya na ang micro enterprises na may nakarehistrong BMBEs ay maaaring makakuha ng government incentives na kinabibilangan ng  ex-emption sa pagbabayad ng income tax para sa kita na nagmula sa operasyon ng negosyo, exemption sa coverage ng minimum wage law, special credit window mula sa government financing institutions na magseserbisyo sa financing needs ng BMBEs, business assistance mula sa iba pang government institutions, gayundin ang technology at marketing assistance.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9178 o ang BMBEs Act of 2002, ang isang  micro enterprise ay patungkol sa anumang  business entity o enterprise na may kinalaman sa produksiyon, pagproseso o pag-manufacture ng mga produkto, kabilang ang agro-processing, trading at  services na ang total assets, hindi kasama ang lupa, ay hindi hihigit sa mahigit P3 million.

Batay sa statistics, 30.5 porsiyento ng 99.6 porsiyento ng total business establishments ay micro enterprises (MSMEs). Ang micro enterprises ay nagkakaloob din ng 62.8 porsiyento o 2,372,678 trabaho sa mga Pilipino.

Ang BMBE certificates ay ipinarerehistro nang walang bayad sa tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) o sa Negosyo Centers. Sa kasalukuyan, may mahigit sa 800 Negosyo Centers sa buong bansa na tumutulong sa micro enterprises na pabilisin ang BMBE applicants.

May kabuuang 28,531 micro enterprises ang nagparehistro sa ilalim ng BMBE hanggang noong Abril 31, 2018 magmula nang simulan ng DTI ang pagtanggap ng aplikasyon noong Enero 2016.

Ayon kay Maglaya, ang pagpormalisa sa negosyo ay hindi lamang makatutulong sa entrepreneur kundi magkakaloob din ng mga benepisyo sa business at employment sa mga Pilipino, na magpapasigla naman sa economic activities sa ka­nayunan.

Nagpalabas ang DTI ng Department Administrative Order (DAO) No. 16-01 noong Abril 22, 2016 na nagkakaloob ng mga ali-tuntunin sa pagpaparehistro ng BMBEs sa Negosyo Centers. Sa ilalim ng DAO 16-01, ang DTI ang nag-iisang ahensiya na mag-iisyu ng Certificate of Authority (CA) sa rehistradong BMBEs sa Negosyo Centers o  DTI offices.

 

Comments are closed.