INCENTIVES SA STARTUP BUSINESSES

STARTUP BUSINESSES

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na nagkakaloob ng suporta sa startup businesses sa pamamagitan ng subsidies at grants.

Sa ilalim ng Republic Act 11337 na nilagdaan noong Abril 26 at ang kopya ay ipinalabas ng Malacañang kahapon, ang Department of Science and Technology (DOST), Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Trade and Industry (DTI) ay inaatasang magkaloob ng subsidiya sa innovative startups upang makatulong sa pagbabayad ng business registration, at paggamit ng space, facilities, equipment at iba pang serbisyo para sa kanilang operasyon.

Ang startups ay maaari ring makatanggap ng grants-in-aid para sa research, development, training at expansion projects at subsidies para sa travel costs na may kaugnayan sa kanilang partisipasyon sa local at international start up events o competitions.

Sa ilalim ng batas ay lilikhain din ang Startup Grant Fund na pangangasiwaan ng DOST, DICT at DTI at ang Startup Venture Fund sa ilalim ng  DTI upang tumbasan ang investments ng mga piling investor sa startups na nakabase sa Filipinas.

Ang startups ay exempted din sa pagkuha ng alien employment permit.

Ang DOST, DICT at DTI ay inaatasan ding i-assess, i-monitor, i-develop at palawakin ang Philippine Startup Deve­lopment Program, na kinabibi-langan ng mga benepisyo at insentibo para sa startups at startup enablers.

Inaatasan din ng batas ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at ang Tech-nical Education and Skills Development Authority (TESDA) na bumuo at isama ang kani-kanilang curricula entrepreneur-ial programs na magsusulong ng kapaligiran na makatutulong sa inobasyon at magkakaloob ng mga insentibo sa aca-demic institutions na nagbibigay ng pondo at/o grants para sa pagsasaliksik ng kanilang mga estudyante at faculty.

Comments are closed.