NAIS ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi na pagbayarin ng income tax ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Sa ilalim ng Senate Bill 241 na inihain ni Sotto sa Senado, ang mga guro na nasa levels 1, 2, 3, o pawang hindi pa umaabot sa P26,000 ang buwanang sahod ay wala nang babayarang income tax.
Bukod dito ay hindi na rin bubuwisan ang kanilang holiday pay, hazard pay, at night differential pay.
Ayon kay Sotto, ang income tax exemption ay pagkilala at pagsukli sa paghihirap ng mga guro na ibinubuhos ang kanilang panahon sa pagtuturo sa kabila ng kakarampot na suweldo.
Ang Senate Bill 241 ay bukod pa sa panukala ni Sotto at ng iba pang mga senador na umentuhan ang mga guro.
Magugunitang nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na itataas ang sahod ng mga guro bago matapos ang taon ngunit hindi pa rin ito natutupad.
Nauna na ring sinabi ni Deputy Speaker for Finance Luis Raymund Villafuerte na bibigyang prayoridad ng mababang kapu-lungan ang bagong panukala na nagtataas sa sahod ng mga guro at iba pang gov-ernment workers.
Ayon kay Villafuerte, uunahin ng Kamara ang pag-apruba sa pay hike ng mga empleyado ng gobyerno bilang suporta sa pana-wagan ni Pangulong Duterte para sa mabilis na pag-aksiyon ng Kongreso sa naturang panukala sa kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 22.
“There is more reason for the Congress to write new legislation amending the Salary Standardization Law (SSL) to clear the way to another pay increase, now that the head of the President’s economic team—Finance Secretary Carlos Dominguez III—has revealed that the government has enough funds to implement another salary adjustment,” wika ni Villafuerte.
Comments are closed.