Masama man ang lagay ng panahon, walang pagod pa din pagbigyan ni presidential daughter at Vice President aspirant Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang supporters sa Bacoor, Cavite.
Pinangunahan ng nagbabalik sa pagka-Alkalde na si House Deputy Speaker at Cavite 2nd District Rep. Strike Revilla ang mainit na pag salubong kay Sara Duterte.
“Salamat po sa inyong suporta sa akin, ganun din kay BBM. Umasa po kayo na kami ay nakahanda na na mag-silbi sa inyo ng taos-puso at hindi magsasawa,” wika ni Inday Sara.
“Kasabay ng aking pagbalik sa pagka-Mayor, nais kong maging kasabay din na maka-upo si Mayor Inday at gayun din si former Senator Bongbong Marcos,” pahayag ni Revilla na dating nang naupo ng 9 na taon bilang Alkalde ng Bacoor.
Sa kasalukuyan, maging sa mga surveys, patulong ang pangunguna ng tambalang BBM-Sara na inaasahang makakuwa ng landslide victory mula sa taong bayan.