INDEFINITE SUSPENSION NG PUV MODERNIZATION PROGRAM IPINANAWAGAN

NANAWAGAN  si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III para sa indefinite suspension sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Hiniling din niya sa administrasyong Marcos na pag-aralan pa ito.

“Pag-aralan nila ito. Programa ito ng Duterte administration e. Itutuloy ng Marcos administration.

Are they sure? Naaral na ba nila ito nang mabuti? Because they are the ones to blame dito,” ani Pimentel.

“Step on the brakes. I-defer na muna ulit ang mga deadlines nila, six months to one year… Tapos pag-aralan din nila in the meantime na suspended ito, do they still encourage na mag-form sila ng cooperatives. Pero kung di matuloy ang programang ito, may purpose pa ba yung cooperatives,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Pimentel na tutol siya sa PUVMP dahil nagsisimula ang proyekto sa mga jeepney driver at operator na umutang para gawing moderno ang kanilang mga sasakyan.

“Gastos na kaagad. Utang na kaagad. There must be a way to pay the debts, parang seven years yata yung plano nila…. Therefore, the income or the cash flow must be more than the principal plus interest plus the living expenses of our jeepney drivers and operators,” anang mambabatas. LIZA SORIANO