BUMABA ang krimen sa loob lamang ng isang linggo.
Ito ang iniulat ni PNP Officer-In-Charge, Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo.
Aniya, naging peaceful at manageable ang crime situation sa bansa mula Setyembre 18 hanggang Setyembre 23, 2022.
Kapansin-pansin din, ayon sa PNP OIC ang pagsadsad ng peace and order indicator sa loob ng nasabing panahon kumpara nitong Setyembre 12 hanggang Setyembre 17, 2022.
Nasa 50.86% ang ibinaba ng POI sa Luzon; 55.30% sa Visayas; at 40.53% sa Mindanao.
Mula sa 524 sumadsad pa sa 371 ang index crimes sa bansa.
Samantala, inanunsyo ni PNP Public Information Office chief, BGen. Roderick Alba na nasa Hawaii, USA si PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. para sa dumalo sa isang official function.
Itinalaga nito si Malayo bilang OIC.
“ PNP Chief, Gen. Azurin is now out of the country attending an official function in Hawaii, USA along with his counterparts from the AFP. He designated our The Deputy Chief for Administration (Malayo) as OIC in his absence. EUNICE CELARIO