INDEX CRIME SA BICOL BUMABA

CRIME

ALBAY – BAHAGYANG nabawasan ang krimen sa Bicol region nang bumaba ng 30 porsiyento ang  index crime sa nasabing rehiyon mula Enero hanggang Abril ngayong taon.

Ipinagpalagay na dahil ito sa malawak na police visibility sa mga komunidad.

Ayon kay Bicol PNP spokesperson Sr. Insp. Ma. Luisa Calubaquib, sa data ng investigation and operation division ng police regional office, bumaba ang total index crimes sa 1,779 cases sa unang apat na buwan mula sa 2,564 cases ng parehong panahon noong 2017.

Ang total index crimes ang murder (134); homicide (28); physical injuries (404); rape (138); robbery (255); theft (708); carnapping (1080; at cattle rustling (4).

Iniuugnay naman ni Calubaquib ang pagbaba sa police actions na nagresulta sa mataas na crime solution efficiency at active police community relations.

Batay sa data mula sa anim na lalawigan sa Bicol, kabilang na ang Naga City, ang Catanduanes lamang ang nag-iisang lalawigan na nadagdagan ang index crime na mula sa 82 kaso noong Enero hangang Abril 2017, tumaas ito sa 106 ng parehong panahon.

Bumaba naman sa 425 ngayong taon mula sa 502 noong 2017 ang index crime sa Naga City Police Office ngunit pumapangalawa pa rin ito sa may pinakamataas na kaso sa total index crimes sa Bicol.  ECC

Comments are closed.