INDIAN NA WALANG WORKING PERMIT HINULI SA RESTO

working permit

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) agents ang isang Indian national dahil sa pagtratrabaho sa isang restaurant sa Boracay nang walang working permit at visa.

Kinilala ni BI Intelligence Division Acting Chief Fortunato S. Manahan Jr. ang naturang dayuhan na si Vincent Joseph Mondal, 42 anyos.

Ayon kay Manahan,  si Mondal ay naaktuhan ng immigration agent na nagtatrabaho sa  Namaster restaurant na matatagpuan malapit sa Boracay Public market bilang isang chief cook.

Nang mahuli si Mondal ni BI intelligence officer Jude Hinolan ay wala itong maiprisintang pasaporte o travel documents at nadiskubre na over-staying  na ito.

Nabisto ni Hinolan na mayroong nakabinbin na reklamo sa opisina ng BI laban sa Indian national dahil batay sa rekord ng BI ay  ilegal ang entry   nito via back door o hindi dumaan sa tamang proseso.

Nasa rekord din ng BI na hindi siya nagbayad sa ipinataw na penalty ng pamahalaan.

Agad na dinala ito sa BI detention center sa Bicutan Taguig City habang naka-pending ang kanyang deportation proceedings sa opisina ng BI Board of commissioners. FROI MORALLOS

One thought on “INDIAN NA WALANG WORKING PERMIT HINULI SA RESTO”

  1. 803510 426376hi this post help me full . .in case you want watches men visit my internet sites is extremely help you for males watches. .thank man very good job. 554067

Comments are closed.