TIMBOG ng Bureau of Immigration (BI) sa Davao City ang isang overstaying Indian habang nagtatrabaho sa Kidapawan City nang walang kaukulang permit.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Kevin D’Souza, at nahuli ito noong Lunes ng mga tauhan ng Philipppine national Police (PNP) dahil walang maipakitang passport.
Sa imbestigasyon ng PNP, inamin ng dayuhan na kasalukuyan siyang kumukuha ng pass port , ngunit nadiskubre ng BI na hindi ito nag-renew ng visa.
Sa imbestigasyon ng BI, nabatid na isa siyang Operations Assistant ng real estate developer sa Mindanao at nadiskubre na expired ang kanyang pasaporte noon pang 2012.
Dumating si D’Souza sa bansa noon pang 2005 at lumalabas na overstaying ng 14 taon at walong buwan. FROI MORALLOS/PAUL ROLDAN
64361 458494Pretty section of content. I just stumbled upon your website and in accession capital to assert that I get in fact enjoyed account your blog posts. Any way Ill be subscribing to your feeds and even I achievement you access consistently quickly. 2800