PANGASINAN – KALABOSO ang isang Indian national matapos ang matagumpay na buy bust operation sa bayan ng Calasiao.
Sa impormasyon, nakilala ang suspek na si Karandeel alyas Karanh, 25-anyos, Indian national na naninirahan sa Barangay Caranglaan sa Lungsod ng Dagupan.
Isinagawa ng mga pulis ang operasyon sa Barangay Bued na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na napag-alamang isang bagong tukoy lamang na drug personality.
Nakuha mula sa pangangalaga nito ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at P500 na marked money.
Sa ngayon ay inihahanda na ang kaso na isasampa laban sa dayuhan na mayroong kinalaman sa ilegal na droga. AIMEE ANOC