RIZAL- ISANG Indian national ang nasukol sa entrapment operation matapos pumayag ang dating girlfriend na makipagtalik ito sa Antipolo City.
Kinilala ang nadakip na sialyas Tony Kasel Raja, nakatira sa nasabing lungsod.
Itinago naman ang biktima sa pangalang Pamela, nasa hustong gulang at dating kasintahan ng suspek.
Dakong alas-10:30 ng gabi ng nang humingi ng saklolo sa awtoridad ang biktima kaya ikinasa ang entrapment operation sa isang food chain sa Masinag, Brgy. Mayamot na ikinadakip ng suspek.
Sa salaysay ni Pamela sa pulisya mula ng kanyang hiwalayan ang boyfriend ay lagi siya nitong tinatakot, sinasabi aniya ng suspek na kung hindi ito makipagtalik sa kanya ay i-upload umano o ilalabas sa social media ang dati nilang sex video at papatayin siya nito kasama ang kanyang mga anak.
Hindi pa umano nasiyahan ang suspek isi-send pa sa messenger nito ang kopya ng sex video.
Dito na umano natakot ang biktima na baka gawin nga ng suspek ang mga banta kaya humingi ito ng saklolo sa Antipolo PNP.
Naaresto ang suspek ng pumayag ang biktima na makipagkita at makipagtalik sa ikinasang entrapment operation ng pulisya.
Narekober sa suspek ang cellphone na isasalang sa digital forensic examination sa office of the Anti-cybercrime Group.
Samantala nakapiit na ang bombay sa detention cell ng pulisya. ELMA MORALES
829730 832338When visiting blogs, i typically discover a quite very good content material like yours 226837