INDIAN NATIONAL NASAKOTE SA NAIA

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) Terminal 3 ang isang Indian national na wanted sa kanilang lugar dahil sa kasong rape habang pasakay sa kanyang flight papuntang Singapore.

Kinilala ang suspek na si Jacob Manoj Paul Chempalakunnil, 50- anyos na naharang nitong Setyembre 8 bago makasakay sa Jetstar flight patungong Singapore.

Batay sa report na nakarating sa Immigration si Chempalakunnil ay mayroon nakabinbin na Warrant of Arrest sa Branch 220 ng Quezon City,m na siyang may jurisdiction o may hawak ng kasong panghahalay laban sa suspek.

Si Chempalakunnil ay kasalukuyang nasa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) habang on going ang litigation ng kanyang kasong rape. FROILAN MORALLOS