INIHAYAG na ng Young Critics Circle (YCC), ang mga nanalo sa taunang YCC awards.
Nanalo sa kategoryang best performance si Anthony Falcon para sa pelikulang “Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko” kung saan ginagampanan niya ang role ng isang transgender.
Sa kategoryang ito, walang distinction ang male o female actor.
Ang importante sa samahan ng mga kritiko ay kung sino ang nakapagbigay ng natatanging pagganap sa mga pelikula noong nakaraang taon.
Naging katunggali ni Anthony sina Janna Agoncillo ng Nervous Translation, Noel Comia, Jr. kasama si Yayo Aguila ng Kiko Boksingero, Mon Confiado, Matt Daclan at Rocky Salumbides ng Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko, Desiree del Valle at Carl Palaganas ng Medusae, Elora Espano ng Baconaua at Jally Nae Gilbaliga ng The Chanters.
Tinanghal namang best film ang 2017 Cinemalaya film na “Baconaua” ni Joseph Israel Laban kung saan nakalaban nito ang Kiko Boksingero ni Thop Nazareno, Medusae ni Pam Miras, Mga Gabing Kasinghaba ng Hair ko ni Geraldo Calagui at The Chanters ni James Robin Mayo.
Nanalo ng best achievement in cinematography and visual design sina TM Malones at Marielle Hizon para sa “Baconaua” samantalang sina John Bedia, Andrian Legaspi, Ana Puod at James Robin Mayo ng “The Chanters” ang nakakopo ng best screenplay award.
Wagi naman ng dalawang awards ang Nervous Translation, ang 2017 Cinemaone Originals entry para sa best achievement in editing para sa mag-asawang Shireen for Shireen Seño at John Torres, at best achievement in sound and aural orchestration ang original scoring ni Itos Ledesma at sound design ni Mikko Quizon.
Panalo naman ng best first feature ang mga pelikulang “Kiko Boksingero” mula sa Cinemalaya, “Si Chedeng at si Apple” nina Rae Red at Fatrick Tabada mula sa Cinemaone Originals at The Chanters mula sa QCinema.
Mula sa 150 pelikula na pinalabas noong nakaraang taon, naging 20 pelikula ang pinagpilian.
Pagkatapos ng matinding deliberasyon, naging pito ang napili sa shortlist.
Maliban sa kategoryang best first feature, lahat ng nominasyon sa 6 na major categories ay nanggaling sa shortlist.
Ang Young Critics Circle ay binubuo ng mga kritiko at mga miyembro ng akademya mula sa University of the Philippines Diliman at Ateneo de Manila University. Ang mga miyembro na bumoto para sa 2017 YCC awards ay kinabibilangan nina Lisa Ito-Tapang (chair), Aristotle Atienza, Christian Benitez, Emerald Flaviano, J. Pilapil Jacobo, Skilty Labastilla, Noy Lauzon, at Jaime Oscar Salazar.
Comments are closed.