INDIE ACTOR NAGBEBENTA NG PRIVATE VIDEO

showbiztuhan

LANTARAN na sa Twitter ang pagbebebenta ng mga sex video or private video nitong dating indie actor na si Charles Delgado through his private account. Ganito ngayon ang labanan ng ibang taga industriya, hindi lang si Charles.

May maseselang content ang video. Hirap sa buhay ang dahilan nila kaya sila nagbebenta ng private video, lalo na ang mga kalalakihan sa showbiz ngayong pandemic na walang hanap buhay.

Hindi naman pwedeng higa-higa lang sa bahay kung walang kakainin. Yung iba nga, tinatarget pa ang mga bading na bargain talaga ang presyo magkaroon lang ng malalafang. Masasabing prostitusyon na rin ito, pero mas mabuti na kesa mamatay ng dilat ang mata.

***

 

 

DOKTORA INIWAN ANG PROPESYON SA US PARA TUMULONG SA MGA KABABAYABAN.

Surgeon si Doktora Melanie Veneracion sa America pero umuwi siya sa Pilipinas para tumulong sa ating mga kababayan. Ilang Orphanage ang pinuntahan niya para mamigay ng ayuda, pero medyo nag-lie low muna siya dahil sa takot sa virus.

Dating Beauty Queen, masasabing tunay na good Samaritan si Dr. Melanie. “Lumaki ako sa lola ko. Mahirap lang kami noon at ramdam ko ang pangangailangan ng mga tao.” Aniya. “Bata pa lang ako, tinuruan na ako ng lola ko noon na dapat, hindi madamot, kaya open ako sa mga ganitong bagay, lalo pa ngayong napakaraming kababayan natin ang nangangaila­ngan ng tulong.”

Nakatira si Doktora Melanie sa Batangas at may ilang negosyo siyang inaasikaso. Nakagawa na rin siya ng isang movie na tumatalakay sa mga kababaihan at mga magulang. Relate na relate siya sa kwento ng pelikula niya.

***

KOKOI DE SANTOS NATABUNAN NI SEAN DE GUZMAN

Noong ipinalabas ang pelikulang Fuccbois sa mga sinehan, pinag-usapan ang pangalan ni Kokoi de Santos. Halos Lahat ng mga bading ay nagpantasya sa kanya, kaya after that movie, hindi na uli gumawa ng bold movie ang sexy actor, at sa TV na lang ito nag-concentrate.

That case, lumaylay ang pangalan niya. Ma­ging ang kasama niya sa Fuccbois na si Royce Cab­rera ay nawala rin.

Pero si Sean De Guzman na ngayon ang paborito ng Viva Films na bigyan ng mga sexy movies.

Pinapirma pa nga siya ng kontrata ng Viva dahil paborito nga raw ni Boss Vic del Rosario. Actually, nakaapat na agad siyang movie sa loob ng tatlong buwan. Katatapos lang ipalabas ang Nerisa na nakatambal niya si Cindy Miranda. Meron din ngayong August na Taya ang title kasama si AJ Raval. Hindi kataka-takang ulanin ng awards ang mga susunod niyang gagawing movie sa Viva.

6 thoughts on “INDIE ACTOR NAGBEBENTA NG PRIVATE VIDEO”

  1. 92063 190440Hello there. I required to inquire some thingis this a wordpress website as we are thinking about transferring across to WP. Moreover did you make this theme all by yourself? Cheers. 950353

Comments are closed.