NAGPALABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng bagong workplace rules laban sa COVID-19 sa muling pagbubukas ng ekonomiya.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, dapat na ngayong maglagay ang mga employer ng individual smoking booths at magpatupad ng staggered meal schedules upang mabawasan ang transmisyon ng coronavirus sa workplaces.
“This will allow us to reopen the economy safely while we are pursuing all these programs, such as aggressive contact tracing, testing and treatment of COVID-19 cases,” sabi ni Lopez.
Sa supplemental health guidelines na inisyu ay hinimok ang large- and medium-sized private companies na magkaloob ng shuttle services at magtayo ng temporary isolation facilities para sa symptomatic employees.
Ang mga empleyado ay inoobliga na rin ngayon na magsuot ng face shields at masks kapag nakikipag-usap sa mga kasamahan at customer.
Nakasaad din sa guidelines na maaaring payagan ang dine-in sa mga canteen sa kondisyong mahigpit na ipatutupad ang physical distancing. Binabawalan din ang mga empleyado na mag-usap.
Ang mga itinakdang smoking area sa workplaces ay dapat na magkaroon ng individual booths.
Comments are closed.