INDONESIA HOLDS INVESTMENT FORUM, TRADE EXPO IN DAVAO CITY

INDONESIA HOLDS INVESTMENT FORUM

NASA 26 na kompanya sa Indonesia ang sumali sa Investment and Trade Expo and Business Forum sa Davao City mula Nob­yembre 28 hanggang Disyembre 1.

Ang 26 kompanya ay mga espesyalista sa mga produktong tulad ng pagkain, children’s wear, fashion accessories, shoes, leather products, at marami pang iba.

Pahayag ng Republic of Indonesia Consulate General sa Davao na si Dinky Fabrian na ang okas­yon ay naglalayon para mas lalong mabago ang Indonesia-Philippine trade relations sa pamamagitan ng outcome-oriented business transactions.

Sa kanyang mensahe sa Business Networking Session noong Biyernes, sinabi ni Fabian: “We offer a platform for our Filipino brothers and sisters to deepen international business cooperation for our shared prosperity and profess.

“With the relaunching of the Manado-Davao flight, there is more reason for us to develop and strengthen our trade and tourism potentials,” dagdag pa niya.

Hinimok din niya ang mga negosyo sa Mindanao na samantalahin ang oportunidad na ipinakita ng Indonesia’s development in the era.

Binigyang-diin niya na noong 2018, ang Indonesia ang ika-9 na trading partner ng Filipinas, ika-14 sa  export market, at ika-6 bilang import supplier.

Ang halaga ng total bilateral trade ay nasa USD7.81 billion habang ang exports sa Indonesia ay tumaas ng 21.79 porsiyento mula USD724.21 milyon noong 2017 hanggang USD881.99 milyon noong 2018.

Dagdag pa ni Fabrian ang trading activities ay nadodominahan ng Luzon sa Filipinas, at Java sa  Indonesia.   PNA