INDONESIAN COUPLE BOMBER MAY ANAK SA PHL

suicide bombers

CAMP CRAME – HINA­HANAP na ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y anak ng mag-asawa na hinihinilang suicide bomber sa Jolo, Sulu twin bombing.

Ayon kay PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde, kailangang mahanap ang bata upang maayos na mapalaki at hindi matulad sa kanyang mga magulang na naging suicide bomber.

Importante aniyang makita ang bata sa lalong madaling panahon upang maikumpara rito ang resulta ng DNA ng dalawang pares ng babae at lalaki na nakita sa pinangyarihan ng pagsabog.

Sa kasalukuyan aniya patuloy ang intelligence effort ng PNP para matukoy kung talagang may anak na naiwan ang dalawa at paano ito mahahanap.

Kahapon ay inilabas na ng PNP ang DNA result ng dalawang pares ng paa na nakuha sa pinangyarihan ng pagsabog sa Jolo cathedral at hindi ito tumutugma sa 23 nasawi rin sa pagsabog. REA SARMIENTO

Comments are closed.