PINIGIL ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indonesian na hinihinalang sangkot sa drug trafficking nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NBI) kamakailan.
Kinilala ang suspek na si Muhammad Nur, 49-anyos na dumating sa NAIA Terminal 3 sakay ng AirAsia flight mula sa Don Mueang Airport sa Bangkok.
Si Nur ay na-flag ng Interpol matapos matuklasan ng mga opisyal sa Laos ang mga ilegal na droga na nakatago sa kanyang bagahe.
Nadiskubre ang mga droga matapos itong makaalis patungong Bangkok, bago bumiyahe patungo sa Maynila.
Dahil sa maagap na koordinasyon sa pagitan ng mga miyembro ng Interpol, naharang si Nur ng BI officers pagdating niya sa Pilipinas bilang bahagi ng Operation Maharlika.
Agad na hinarang ang pagpasok nito sa bansa at siya ay ibabalik sa kanyang pinagmulan sa Bangkok.
RUBEN FUENTES