INDONESIAN KALABOSO SA 1.6 KILO NG COCAINE

cocaine

PARAÑAQUE CITY – INARESTO  ng pinagsanib na mga tauhan ng Manila International Airport Autho­rity (MIAA) at Philippine Drug Enforcement Agecy (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang isang In-donesian makaraang madiskubre sa kanyang bagahe ang 1.6 kilong cocaine noong Miyerkoles ng gabi.

Hindi na nagawang itanggi ni Agus Burhan, 62, ang mga nasamsam na cocaine na nagkakahalaga ng P8.7 milyon nang mahuli siyang dinadampot ang kanyang bagahe sa baggage carousel ng terminal 3.

Nabatid mula kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jerald Javier, kasalukuyan silang nagsasagawa ng random inspection sa NAIA terminal 3 arrival area sa mga bagahe ng pasahero na galing sa ibang bansa nang upuan ng mga aso ang bagahe ng nasabing dayuhan.

Sinabi ni avier na lumipad patungong Lima, Peru si Burhan para sa cocaine. Pagbalik mula South America, mayroon itong stop over sa Madrid, Spain at Doha, Qatar.

Pagdating sa Maynila, pinigil ng mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Force si Burhan nang matuklasan ang droga.

Ayon pa kay Javier, idinaan pa rin sa x-ray scanning machine ng Bureau of Customs ang bagahe ni Burhan para matiyak na may laman itong droga.

Sinabi ng suspek na habang iniimbestigahan, ay ipinakiusap lamang sa kanya na dalhin ang bagahe na may mga lamang regalo patungong Filipinas.

Nakatakdang sam­pahan si Burhan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drug Act of 2002. FROILAN MORALLOS