INDUSTRIYA NG ABAKA SA CATANDUANES NAGBABALIK MATAPOS ANG TATLONG TAON

UNTI-unting bumabalik ang industriya ng abaca sa Catanduanes matapos ang pagkapinsala nito nang ang isla ay tamaan ng Typhoon Nina (Nock-ten) noong Christmas Eve ng 2016.

Ayon sa datos mula sa Fiber Industry Development Authority (FIDA) at ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Angel Valeza, supervising agriculturist ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) sa Catanduanes, na mahigit sa 12,000 magsasaka sa mahigit na 33,000 ektarya ng plantasyon ng abaca sa buong isla na mayaman sa sa produktong ito, na sila ngayon ay nakikinabang na sa muling pagbangon ng industriya.

Nakakapag-contribute na ulit ang Catanduanes na 84.78 porsiyento ng produksiyon ng Bicol’s abaca fiber, o 30.95 porsiyento ng buong prodyus ng bansa, lahad pa niya.

“This is the reason why Catanduanes earns the moniker ‘Abaca County’ for being the biggest abaca producer not only in Bicol but in the entire country,” sabi ni Valeza.

Ayon kay Ace William Tria, OPAG-Catanduanes agriculturist and planning officer, mula sa mahigit na  16,000 metric tons ng produksiyon ng abaca fiber noong 2010, tumaas itong bigla sa halos  27,000 metric tons noong 2016.

Pero, nang tumama ang Typhoon Nina sa Ca­tanduanes nang 2016, bu­magsak ang produksiyon ng may 13 porsiyento ng  2017,” aniya.

Sinabi ni Tria na ipinakikita sa partial computations na ang  2018 at 2019 ay magkakaroon ng pagtaas sa produksiyon ng  2017.

“A factor to this higher abaca fiber production is the absence of strong typhoons in the past two years that used to hit Ca­tanduanes in the previous years,” sabi niya.

Ayon naman kay Ariel Tabuzo, OPAG abaca coordinator, na ang rehabilitasyon ng abaca fund ng PHP50 million ay ini-release mula 2017 hanggang  2018 ng Department of Agriculture sa mga apektadong magsasaka ng abaca dahil kay Typhoon Nina.

Sinabi niya na ang mga magsasaka na may plantasyon ng abaca na sobrang napinsala ay nakatanggap ng PHP4,670 bawat isa, habang ang mga hindi masyadong napinsala ay binigyan ng PHP2,400 bawat isa, sa pamamagitan ng “cash-for-work” scheme.

Ayon kay Tabuzo, nagsimula na sila ng programa na magpapabuti sa produksiyon ng abaca fi­ber, kasama ang paggamit ng makina para sa abaca stripping.

“By using mechanized stripping rather than the present handmade stripping, production of abaca fiber will significantly improve,” ani Tabuzo.

Ang pinakamalaking mamimili ng abaca fiber sa isla ay ang Pinoy Lingap Damayan Multi-Purpose Cooperative (PLDC), isang  non-government organization na nasa lending business para sa  abaca farmers.

Sa pahayag ni PLDC manager Honesto Sorreda Jr., na ang kooperatiba nila ay mayroong hindi hihigit sa 1,000 magsasaka na kumikilos mula pa noong 2014.

“Aside from buying abaca fiber, we also lend money to our members to at least augment their financial needs while waiting for their abaca plants to mature for stripping,” dagdag pa nito.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Catanduanes Provincial Tourism Office (CPTO) sa OPAG, DA at sa  Department of Tourism para sa pagtatayo ng tinatawag na “abaca village” bilang bahati ng kanilang  tourism promotion sa Pacific-facing island.

Ipinahayag ni CPTO chief Carmel Bonifacio-Garcia na itong “abaca village” ay magsisilbing  “one-stop shop” na magpapakita ng produksiyon ng  abaca sa Catanduanes.

“Since abaca is our major commodity, it is just proper if we will tap it for our tourism promotion here,” lahad niya.

Maliban sa pagiging pinakamalaking producer ng high-grade abaca fiber sa bansa, sinabi ni Garcia na ang Catanduanes ay mayaman din sa  “ridge-to-reef” tourist spots na nakakalat sa buong isla.

“We have plenty of black and white sand beaches, falls, lagoons, points and surfing destinations, among others, here in Catanduanes,” dagdag pa ni Garcia, habang ipinakikita ang advocacy placard na nagtataglay ng branding na “Happy Island”.    PNA

Comments are closed.