INDUSTRIYA NG BALUT SA PATEROS PALALAKASIN

BALUT

ISUSULONG at lalo pang palalakasin ng Department of Tourism (DOT) ang industriya ng ‘balut’ sa bayan ng Pateros.

Ayon sa DOT, nais nila na lalo pang mapaangat ang industriya ng balut sa Pateros kaya’t tutulong sila sa promosyon nito.

“Tourism is all about experience. We want the people to experience something authentic so this is it–the balut of Pateros. We want to push the promotion of balut as a community business livelihood and a culinary tourism product,” ayon kay DOT-National Capital Region (NCR) Officer-in-Charge Cathy Agustin.

“In an effort to revitalize the balut-making industry, the municpal government with the Department of Science and Technology- NCR introduced this year the incubator technology that will compliment and improve the yield of the traditional balut making pro-cess,” dagdag pa nito.

Plano rin naman nila na isulong ang balut at iba pang putahe ng itik upang ihain sa mga restaurant, mga kainan at mga catering services sa munisipalidad.

Bubuo rin sila ng ‘Ba­lut sa Puti’ Commission na mamamahala sa revival projects para sa industriya at magtatayo ng Pateros Duck Farm sa Rizal para masustentuhan ang industriya.

Ang balut ay isang pamosong exotic food sa Filipinas, at itinuturing  na sentro ng food tourism sa Pateros, sanhi upang makilala ito sa taguri bilang “Balut Capital of the Philippines.”

Sa kasalukuyan ay mayroong 20 manggagawa ng balut sa Pateros, at umaabot sa libong balut ang naipagbibili nila araw-araw. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.