NAKATAKDANG magsagawa ng dialogue ang mga may kinalaman sa industriya ng niyog para matugunan ang lumulubog na presyo ng copra na nagdulot sa mga magsasaka na tumigil na sa pag-aani, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol.
Sinabi ni Piñol na makikipagmiting siya sa mga may-ari ng kompanya ng copra trading at coconut oil mills sa susunod na linggo para matugunan ang kasalukuyang sitwasyon ng industriya.
“The meeting is intended to identify immediate measures which could be adopted to address the very low price of copra,” lahad ni Piñol sa isang Facebook post kamakailan.
“From a high of over P40 per kilo a few years back, Copra prices have plummeted to as low as P15 per kilo today, prompting some Coconut farmers to stop harvesting their crops,” dagdag niya.
Sa pakikipag-dayalogo, sinabi Piñol na makikipagdiskusyon siya sa mga kaanib tungkol sa report na smuggling ng copra at palm oil sa bandang hilaga ng Filipinas na nagreresulta sa biglang pagbaba ng halaga ng coconut oil at palm oil.
“The Coconut Industry is virtually in the throes of death with the price of Copra in the world market falling to very low levels where coconut farmers could barely survive, a dangerous situation for a sector where poverty incidence is one of the highest,” sabi niya.
Patuloy na bumaba ang presyo ng copra sa bansa dahil sa bumababang world prices CNO na siyang naging dahilan ng pagdagsa ng vegetable oil sa pandaigdigang merkado.
Nauna rito, may mga naunang datos ang United Coconut Association of the Philippines Inc. (UCAP) ang nagpakita na ang CNO ng bansa ay may exports sa unang kalahati na bumaba ng 11.10 percent hanggang 414,089 metric tons, mula sa 465,084 MT, dahil sa mababang first-quarter shipment.
Nakita sa UCAP data ang country’s first-quarter CNO exports ay bumaba ng 31.05 percent hanggang 206,043 MT, mula sa 298,838 MT na naitala nang Enero hanggang Marso ng taong 2017.
Sa kabila ng double-digit decrease sa shipment nang Enero hanggang Hunyo, maganda ang pananaw ng UCAP na makukuha ng bansa ang full-year export target na nasa 1-MMT sa likod ng mataas na demand, ayon sa UCAP Executive Director na si Yvonne T.V. Agustin.
“We are still hopeful that we would hit almost 1 million [metric tons]. In the first semester we already exported over 400,000 metric tons, so doubling it would easily reach 800,000 metric tons,” ani Agustin.
“At ang demand ng CNO sa second half ay kadalasang mataas kompara sa first half,” dagdag pa ni Agustin.
Tinitingnan ng UCAP na ang domestic coconut output ngayong taon ay lalago ng 8.67 percent hanggang 2.607 MMT sa copra terms, mula 2.4 MMT sa recorded volume noong 2017.
Sinabi ni Agustin na umaasa sila na ang mataas na CNO shipments ay makababawas sa pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado ng vegetable oil para panatilihin ang mahigit sa $1-billion export na kita ngayong taon.
“For example, our volume of exports in the last three months has been steadily increasing. But revenue is affected by the low prices [of CNO],” sabi niya.
Isang “great performance in terms of production and export” ay makababawi, aniya, sa pagbaba ng kita. “Last year, we earned around $1.4 billion, so we hope to reach that due to higher shipment.”
Ang pandaigdigang presyo ng CNO ay nakadepende sa presyo ng ibang langis, tulad ng palm oil, na siyang nagdadala ng malaking bulto sa pandaigdigang merkado ng vegetable oil, ayon kay Agustin. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Comments are closed.