INDUSTRIYA NG KAPE SA BATANGAS NAGBABADYANG BUMAGSAK

Kape

NAGBABADYANG bumagsak ang industriya ng kape sa Batangas dahil sa pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) Region 4A, tinatayang nasa mahigit P73-milyon ang halaga ng nasira sa pananim na kapeng barako sa Batangas.

Ito ay matapos na matabunan ng abo ang 752-ektarya ng taniman.

Samantala, bukod sa kape ay napinsala rin ang aabot sa P72-milyong halaga ng mais, habang nasa higit 100 hayop din ang namatay kabilang na rito ang kalabaw at kabayo.

Comments are closed.