INDUSTRIYA NG MAIS PALALAKASIN

UPANG itulak ang kumpetisyon at palawakin ang yellow corn industry, inisponsor ni Sen.  Cynthia A. Villar ang Senate Bill No. 2625 sa ilalim ng Committee Report No. 246, na may titulong “An Act to develop the Philippine Corn Industry, enhance the availability and affordable of quality feeds and staple food, and provide for a corn competitiveness enhancement fund”. 

“It is a crucial supplementary measure aligned with the objectives of the Livestock, Poultry and Dairy Industry Development Act which I earlier sponsored,” ayon kay Villar.

“It is imperative that we also bolster the corn industry. since it plays a pivotal role in sustaining our livestock and poultry industry and feeding our nation,” dagdag pa niya.

Umaasa ang livestock feed sa mais, wheat at soya. Binubuo ng yellow corn ang may 40% – 60% ng animal feed.

Ang Pilipinas ay may deficit na 3-5 million metric tons (MT) ng mais kada taon.

Noong 2023, ang pinagsamang corn-livestock-poultry sector ay nag-ambag ng 27.17% ng gross value added sa agrikultura.

Nagbigay ito ng kabuhayan sa mahigit 1.28 million corn farmers, 2.8 million livestock at poultry farmers at libo-libong iba pang industry players.

Binigyang-diin ng chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food ang dulot nito sa ekonomiya ng bansa, partikular sa hanapbuhay, seguridad sa pagkain at pagbawas sa kahirapan.

“Yet despite its significance, the yellow corn industry faces its share of challenges that require greater government attention,” anang senadora.

Ipinahayag din ni Villar na sa ilalim ng panukala, bubuo ng Corn Competitiveness Enhancement Fund. Idadagdag ito sa taunang regular na budget.

Sa loob ng 10 taon, ang Corn Fund ay may P3 billion budget kada taon. Ito ay magmumula sa tariff collection sa imported corn, wheat, feeds at iba pang produkto at sangkap sa feeds.

“We will not leave the white corn behind since the same is being used for human consumption. We are proposing the allocation of 20% of the fund to white corn development and other indigenous corn varieties,” ani Villar.

Ipinanukala rin na gagamitin ang 80  percent  ng Corn Fund sa yellow corn na hahatiin gaya ng sumusunod:

  • Forty percent (40%) sa Philippine Center for Postharvest Development at Mechanization kung saan 23% ay sa post-production, 15% sa mechanization ng corn farms at 2% sa Program Management Office;
  • Twenty percent (20%) sa BPI para sa seeds at fertilizers. Dapat ang mga buto ay gawa ng mga Pilipino at rehistrado sa Philippine Seed Board o National Seed Industry Council;
  • Twenty percent (20%) sa pagpapatayo at operasyon ng BPI Corn Unit at field offices sa corn producing provinces;
  • Ten percent (10%) sa Agricultural Training Institute ng DA sa extension at training activities; at
  • Ten percent (10%) sa Bureau of Agricultural Research para sa corn applied research at basic research.

Ayon kay Villar, kahit tumaas ang yellow corn productivity ng average na 4.2 metric tons kada ektarya mula 2018-2022, napag-iiwanan pa rin ang Pilipinas. Pangwalo lamang ang bansa sa produksiyon ng mais kumpara sa  mga karatig na bansa Asya.

Nananatili  ang Pilipinas na net importer ng yellow corn.

VICKY CERVALES