INDUSTRIYA NG SAPATOS PALALAKASIN

ISINUSULONG sa Kamara ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang pagpapalakas sa industriya ng sapatos sa bansa sa ilalim ng House Bill 4910.

Nais ng mambabatas na suportahan ang lokal na industriya ng sapatos sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa pagpapaunlad nito.

Ayon kay Quimbo, ang pondong gagamitin para rito ay dapat na manggaling sa buwis mula sa mga imported na sapatos dahil hindi ito maaaring kunin mula sa Genereal Appropriations Act (GAA).

Sakaling maisabatas, magbibigay ito ng developmental incentives sa pamumuhunan sa modernong makinarya at kagamitan para sa paggawa ng sapatos.

Nanawagan naman si Quimbo sa Department of Budget and Management at Department of Finance na makipag-ugnayan sa National Economic Development Authority at Department of Trade and Industry para sa isusumite nitong position paper kung paano nila matutulungan ang ilan pang lokal na industriya.

DWIZ 882