INDUSTRIYALISASYON SA AGRIKULTURA IGINIIT

GAWING industrialized ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Ito ang iginiit ni Treston International College Chairman Efraim Genuino sa ikatlong experts forum ng ALC Media Group.

Ayon kay Genuino, tayo lang sa Southeast Asia ang walang industry kaya dapat ay magtayo nito.

Giit nito ay bigyan ng trabaho ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtatayo ng industriya o pabrika halimbawa ay sa mga barangay.

“Dapat paikutin ang pera sa loob ng barangay at sa buong bansa, ang problema ay walang pera ang tao.”

Maari aniyang magtayo ng pagawaan ng mga delata at iba pa mula sa produce ng mga magsasaka sa bansa. Maari aniyang gawing delata ang mga aning prutas.

Sinabi nito na ang problema ay gutom kaya kung may pera o kita ang pamilyang Pinoy ay hindi na kailangang mangutang sa bangko ng mga magsasaka.

Sinabi pa niya na dapat din itaas ang budget ng Department of Agriculture.

Samantala, idiniin naman ni dating DA Secretary Leonardo Montemayor na hindi lang bagyo ang kalaban ng mga magsasaka ngayon kundi ang batas.

Ang forum ay dinaluhan din nina Dr. Rey Velasco; Atty. Karen Jimeno; Vic Brozas, founder ng BBM Movement, mga kinatawan ng BusinessMirror, Philippines Graphic, DWIZ882 at Bigkis Pinoy habang ang beteranong mamamahayag na si Jonathan Dela Cruz ang tumayong moderator. SCA