(Inendorso para sa green lane treatment) P2.321-TRILLION INVESTMENTS

NAKAPAG-ISYU ang Board of Investments (BOI) One-Stop Action Center for Strategic Investments (OSAC-SI) ng green lane certificates sa 74 proyekto na may kabuuang kapital na nagkakahalaga ng P2.321 trillion hanggang nitong Huwebes, June 20.

Sa datos ng BOI, mayorya, o 65 ng naturang mga proyekto, ay nasa renewable energy (RE) na may investment value na P1.95 trillion.

Limang proyekto na may green lane certification ang nasa digital infrastructure na may investments na P338.23 billion, dalawang investment activities ay nagkakahalaga ng P3.4 billion sa food security, at dalawa pang manufacturing projects na nagkakahalaga ng PHP29.61 billion.

Ayon kay BOI Director Ernie Reyes tinapos ng OSAC-SI ang 2023 na may inendorso na 22 proyekto para sa green lane treatment. Ang investments sa mga  proyektong ito ay nagkakahalaga ng may P432.91 billion.

Nangangahulugan ito na sa halos anim na buwan ng taon, ang OSAC-SI ay nag-certify ng 136 percent o 52 pang projeyeko para sa green lane.

Ang year-to-date investment value sa ilalim ng Green Lane ay tumaas din ng 336 percent, o karagdagang P1.89 trillion.

“For the month of June, a total of PHP265.465 billion worth of strategic investments was certified, the highest of which is a PHP183.205 billion solar power project in Luzon,” ayon sa OSAC-SI.

Sa kabuuang P2.32 trillion investments na inendorso para sa green lane treatment, P891.37 billion ang nagmula sa  foreign sources.

Sinabi ni Reyes na 59 proyekto ang nasa pipeline para sa green lane endorsement, na may investments na nagkakahalaga ng P792.71 billion.

“The proponents of these projects are still in the process of completing the requirements for green lane certification,” aniya.

Noong February 2023 ay ipinalabas ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.  ang Executive Order No. 18, na nagmamandato sa paglikha ng green lanes bilang bahagi ng pagsisikap para mapadali ang pagnenegosyo at sa pagsusulong ng strategic investments.

Ang pagkuha ng green lane status ay nagpapabilis sa pag-iisyu ng permit at license, kabilang ang pagresolbs sa strategic investment issues.