INFANT FORMULA, HARINA  BAWAL SA EROPLANO

MAGPAPATUPAD  ang Cebu Pacific ng mga karagdagang security measures sa ka­nilang flight patu­ngong Guam upang maiwasan ang ano mang problema na kakaharapin ng mga pasahero.

Kabilang sa paghihigpit  ng seguridad ay ang pagbabawal sa  pagdadala ng powder substances na tumitimbang  ng 12 ounces  (350 ml), o kaya ay higit pa sa hand carry at cabin luggage.

Ayon sa pamunuan ng airline, kukumpiskahin ang makikitang ipinagbabawal na bagay sa loob ng hand carry o check-in luggage ng isang pasahero na makikita sa security check.

Ang mga ipinagba­bawal na substances sa loob ng eroplano ay kinabibilangan ng  harina, asukal, ground coffee, slices, powder milk (kasama na rito ang infant formula), cosmetics, at maging ang human remain o ashes.

Maaari lamang pa­yagan ng pamunuan  ang human remains (ashes) at baby formula kapag  ang mga ito ay medically-prescribed, duty free purchases, at naka-seal at cleared ng security screening sa airport.

Kaugnay nito ipinagbibigay alam ng Cebu Pacific sa mga pasahero na ilagay ang powder substances ka­tulad ng gatas sa check-in baggage upang makaiwas sa abala  lalo ang mga pasaherong papuntang Guam at United States.    FROI M

Comments are closed.