PATULOY sa pagbilis ang inflation noong Hulyo sa likod ng pagsipa ng presyo ng transportasyon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang virtual press conference kahapon, sinabi ni National Sta-tistician Dennis Mapa na ang July inflation ay nasa 2.7%, ang pinakamabilis magmula nang maitala ang 2.9% noong Enero ng kasalukuyang taon.
Mas mataas din ito sa 2.5 percent noong Hunyo at sa 2.4 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa hiwalay na statement, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang pinakahu-ling inflation rate ay pasok sa forecast range nito na 2.2 percent hanggang 3.0 percent.
“Ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation sa buwan ng Hulyo 2020 ay ang mas mabilis na paggalaw ng pre–syo ng transportasyon,” ayon kay Mapa.
Ang presyo ng transportasyon para sa Hulyo ay tumaas para sa domestic airfare, ferry/ship fares at tricycle fares na may average ngayon na P17 kada tao mula sa P8.50 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“Transport costs continued to rise at an above-trend pace sequentially, despite global oil prices remaining relatively steady compared to the previous month. This might be a result of higher demand for transportation services, as the economy emerged out of lockdown,” pahayag ng HSBC Global Research.
Naitala rin ang annual increments sa alcoholic beverages and tobacco (19.3%); housing, water, electricity, gas, at iba pang fuels (0.8%); at restaurant at miscellaneous goods and services (2.5%).
Ang Metro Manila ay nagtala ng 2.2% inflation laban sa 2.0% noong nakaraang buwan, habang ang mga lugar sa labas ng NCR ay bumilis sa 2.9% mula 2.7%.
Comments are closed.