INFLATION MAY KONEKSIYON SA MALNUTRISYON-NNIED

MAY koneksiyon ang patuloy na nararanasang inflation ngayon sa bansa sa malnutrisyon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Nutrition Information and Education Division chief Jovita Raval na nakababahala na ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin dahil posible itong magdulot ng malnutrisyon.

Ayon kay Raval, sadyang problema ngayon ng maraming pamilyang Filipino kung paano pagkakasyahin ang kanilang kita dahil sa mahal ng presyo ng pagkain o bilihin.

Ginagawa ang lahat ng paraan parq makatipid ang pamilya kaya sa halip na bumili ng masustansyang pagkain tulad ng isada, karne, prutas, at gulay ay pinagkakasya na lamang ang pera sa delata, processed foods at noodles.

Kapag nagpatuloy ang inflation o bilis ng pagtaas ng resyo ng bilihin at serbisyo, ayon kay Raval, maraming Filipino ang makararanas ng gutom na maaaring mauwi sa malnutrisyon.

Kadalasang apektado rito ay ang mga bata kaya naman marami sa kanila ay under weight o kulang sa timbang, payat, bansot na maaaring ikamatay pa ng iba sa mga ito.

Dahil dito, pinayuhan ni Raval ang publiko na iprioritize pa rin ang pagkain kaysa sa ibang bagay, halimbawa aniya ay ang paninigarilyo o pag inom ng alak, at ibili na lamang ng pagkain.

Kinakailangan din mag isip ng paraan para matugunan ang pangangailangan sa pagkain ng pamilya tulad ng pagtatanim. Beth C