INFLATION PUMALO NG 1.3% NITONG NOBYEMBRE

INFLATION-3

NAITALA ang mabilis na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong nakaraang Nobyembre.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 1.3 porsiyento ang inflation rate sa nasabing buwan.

Napag-alamang higit na mabilis ito kumpara sa 0.8 porsiyento noong nakaraang Oktubre.

Sinasabing ang inflation ay dahil sa mas mataas na presyo ng sigarilyo, alak, pati na rin ng housing at utility costs.

Nabatid na pangunahing nakapag-ambag sa November inflation ay ang mataas na presyo ng restaurant at miscellaneous goods at services, habang bumaba naman ang halaga ng bigas at iba pang produkto sa pamilihan.

Samantala, sinabi naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na pasok pa rin sa forecast range nila ang naitalang inflation rate.

“The November 2019 inflation of 1.3 percent was within the BSP’s forecast range of 0.9 – 1.7 percent. Inflation for the month was driven by higher prices of electricity, LPG, gasoline, and selected food items. These were tempered by the continued decline in rice prices along with the appreciation of the peso. The latest inflation outturn is consistent with the BSP’s prevailing assessment that inflation has bottomed out in October and is expected to gradually approach the midpoint of the target range in 2020 and 2021,” pahayag ng BSP. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.