PINAWI ni House Speaker Gloria Arroyo ang pangamba ng publiko kaugnay sa pagtaas ng inflation rate sa 6.4% nitong Agosto.
Ayon kay Arroyo, ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para maibaba ang inflation sa lalong madaling panahon.
Ipinarerekonsidera ni Arroyo ang kanyang mga inirekomendang hakbang sa Malakanyang para mapababa ang inflation sa bansa.
Noong panahong Pangulo si Arroyo ay pumalo sa 6.6% ang inflation rate sa bansa sa taong 2009.
Nagawa aniya nila itong mapababa sa loob lamang ng tatlong buwan dahil sa malawakang importasyon ng bigas at pamimili ng aning palay sa lokal na magsasaka.
Samantala, iginiit ni SGMA na hindi dapat sisihin ang TRAIN 1 sa mataas na inflation rate dahil maliit lamang na porsiyento ang epekto nito sa ekonomiya.
Paliwanag ni Arroyo, lima ang pangunahing drivers o dahilan ng pagtaas ng inflation—ang exchange rate, presyo ng bigas, isda, karne at langis. CONDE BATAC