INFO AND COMTECH MANAGEMENT COURSE IKINASA NG PNP

KASABAY ng pagsawata sa mga kriminal, patuloy naman ang pagpapaunlad sa kalaaman ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang magamit sa kanilang operasyon at maitaas din ang antas ng kaalaman.

Ito ang tiniyak ni PNP-Directorate for Information and Communication Technology Management Director Maj. Gen. Valeriano De Leon.

Aniya, ikinasa nila ang Information and Communication Technology Management Courses upang mapaunlad ang kaalaman ng mga pulis.

“The PNP will continue to conduct trainings and seminars because learnings is a continuous process leading to digital transformation througj the attainment of DICTM’s mission and vison, which are anchored in the program thrust of the PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr.”, ayon kay De Leon.

Sinabi pa ni De Leon na dapat maging malawak ang kaalaman ng mga pulis sa makabagong information and communications technological advancement para sa mas maayos na pagtugon sa tungkulin at makasabay na rin panahon lalo na’t ang mga kriminal ay advanced na rin ang ginagamit sa kanilang illegal na aktibidad.

“Kaya naman ang patuloy na dagdag kaalalam lalo na sa teknolohiya at komunikasyon ay kinakailangan para sa mas maayos na serbisyo ng mga pulis,” diin pa ni De Leon. EUNICE CELARIO